Dito nagsimula ang isang walang kwentang pagmamahal... dito kun san kame nag-usap nun araw na ayaw na nya umasa...Akala ko dun na magtatapos ang lahat... hindi ko inaasahan na yun araw ding yun magsisimula ang isang relationship na sobra sobra ko pinahalagahan...iningatan...pero mawawala lang din pala...at magiging isang basura na lang para sa kanya....
November 16,2010..wala na talagang pag-asa...sinubukan ko magsimula ng bagong buhay..,buhay na wala sya...every 5am...andito ako...naghihintay sa pagsikat ng araw...ito kasi yun isang bagay na nakakapagpagaan ng kalooban ko...
"bagong araw...bagong pag-asa..."
...na pagkatapos ng dilim...muling dadating ang liwanag... unti-unti sumisikat ang isang bagong pag-asa para sa lahat... sinasabi din nito na hindi ako dapat sumuko... dahil mas madami pang dadating na bagay higit pa sa mga nawala saken... at sa unti-unting pagtaas ng araw..ay ang muling pagtaas ng bagong pangarap..."
pero sa tuwing nasasaktan ako...dito pa rin ako tumatakbo... pag gusto ko mapag-isa... pinagmamasdan ko at pinakikinggan ang hampas ng alon sa tabing dagat... kasabay ang pagpatak ng luha... na nagdadala ng lahat ng sakit at galit dito sa puso ko... sa kanya ko binubuhos lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko... pakiramdam ko kasi sinasagot ako ng dagat....dinadamayan... ramdam ko ang galit ng hampas ng alon...at patungo sa kabilang pampang...,dinadala nya dun palayo lahat ng problema ko...lahat ng bagay na nkakapagpabigat sa kalooban ko...
dito lang ako... palagi lang dito... kasi ang araw at dagat hindi marunong mang-iwan...kahit ilan beses ko sila masaktan.,hindi sila marunong mang-iwan... kahit iwan ko sila sa panahong masaya ako...pag nabigo ako...andito pa rin sila...handa ako tanggapin at muling damayan... dito na lang ako....
November 21, 2010
12:05nn
neh"
No comments:
Post a Comment