Monday, November 29, 2010

sana.. .

ito'y buong puso ko isinulat para sayo.. .
sa kabila ng masakit na katotohanan... na kahit kailan ay hindi mo malalaman... na ikaw mismo an tinutukoy ko sa liham na ito...


      alam mo ba.. .kahit hindi ka magsalita.,buo na araw ko na nasa tabi lang kita...
sana mabanggit mo minsan... na naging masaya ka dahil ako ang iyong kasama... .
handa ako ipagsigawan sa buong mundo... ang tunay ko nararamdaman para sa iyo...
at alam ko., kahit nun mga panahon na ikaw ay nasa tabi ko pa...hindi mo man lang narinig ang tibok nitong puso ko... ang puso ko na nanghihina kakasigaw sa pangalan mo...
  sa kabila ng kirot at sakit dito sa puso ko na dulot ng sobrang pagmamahal ko sayo... ay ikaw pa rin magpa-hanggang ngayon ang dahilan kung bakit tumitibok pa ito... .

    pag-masdan mo ang luha ko, para maunawaan mo ang totoong laman ng aking puso.,at ng maramdaman mo ang pag-mamahal ko sa iyo..na nakakubli sa bawat pagpatak nito.. hindi ko magawang ilihim ang pananabik sayo... ang maging bahagi sa bawat daang nilalakbay mo...ngunit bakit ganito.??
hindi ko maihakbang ang mga paa ko papalayo sayo.. .

   wala na akong lakas pa.. .hindi ko na kaya itago ang luha sa aking mga mata..at hindi ko na rin kayang pigilan pa...ang ngiting unti-unti na rin nawawala... hindi ko na hihilingin na ibsan mo ang aking kalungkutan... bigyan mu lang ako ng pag-asa.....na balang araw ay makakalimutan din kita... na isang araw...mawawala ka na tin sa isip ko.. . at tuluyan ka na maglalaho sa loob ng puso ko....


sana maintindihan nitong aking isipan...na kailanman....
ay hindi mo mgagawang tandaan...,ang mahahalagang bagay na hindi ko kayang kalimutan...
at sana matanggap nitong aking puso ang katotohanan na magiging masaya ka...
kung wala ako sa buhay mo..        





-neh"

No comments:

Post a Comment